^

Probinsiya

2 piloto nasawi sa pagbagsak ng Philippine Air Force plane sa Bataan

James Relativo - Philstar.com
2 piloto nasawi sa pagbagsak ng Philippine Air Force plane sa Bataan
A handout photo from the Bureau of Fire Protection Region II taken and released on January 25, 2023, shows rescuers retrieving a body from a crashed plane in Pilar, Bataan, where two Philippine air force aviators were killed.
Handout / Bureau of Fire Protection Region II / AFP

MANILA, Philippines (Updated 4:40 p.m.) — Patay ang dalawang katao matapos bumagsak ang isang Philippine Air Force aircraft habang nagte-training sa Bataan, Miyerkules, pagkukumpirma ng Bataan Police Provincial Office.

Ayon kay Col. Romell Velasco, Bataan PPO provincial director, bumagsak ang SF260 Marchetti ng militar sa isang palayan sa bayan ng Pilar, bagay na pumatay sa nagmamanehong piloto at isa pang aviator.

"It's a total wreck. The wings were separated," ani Velasco sa isang panayam ng Agence France-Presse matapos bisitahin ang pinangyarihan ng isidente kung saan nakuha ang mga bangkay.

"No one could survive this."

Bumagsak ang eroplano ng Philippine Air Force sa isang palayan sa Pilar, Bataan. Nasawi ang dalawang pilotong sakay ng eroplano, pagkumpirma ng Pilar, Bataan Chief of Police. #News5 | via Roel Tarayao pic.twitter.com/Fg8r3hLtjn

— News5 (@News5PH) January 25, 2023

Look | PRC Emergency Medical Services (EMS) personnel assisting on the retrieval operations after a Philippine Air Force training aircraft crashed into a rice fields in Bataan. pic.twitter.com/95BusMH08A

— Philippine Red Cross (@philredcross) January 25, 2023

Una nang sinabi ni Col. Maria Consuelo Castillo, tagapagsalita ng PAF, na gumugulong na ang imbestigasyon upang mapag-alaman ang dahilan sa likod ng aberya.

Parehong nasa loob ng cockpit ng naturang Air Force plane, na may number 29, ang dalawa noong mangyari ang disgrasya. Bandang 10:50 a.m. na nang makaresponde ang Bataan police sa nangyari.

Sinasabing nanggaling sa Sangley, Cavite ang naturang aircraft para sa recurrency training.

Nangyari ito matapos mawala ang 6-seater plane na Cessna 206 (RPC1174) probinsya ng Isabela nitong Martes, bagay na isang commercial plane at kaiba sa naturang PAF aircraft, sabi ni Civil Aviation Authority spokesperson Eric Apolonio sa Philstar.com— may mga ulat mula sa Agence France-Presse at News5

BATAAN

PHILIPPINE AIR FORCE

PLANE CRASH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with