^

Probinsiya

MOA ng DOH hospitals at Quezon, nilagdaan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

LUCENA CITY, Philippines — Pinangunahan ni Department of Health (DOH) officer in charge (OIC) Secretary Dr. Maria Rosario Vergeire at Quezon Governor Dra. Helen Tan ang pag-ukit sa kasaysayan ng Pilipinas matapos ang isinagawang memorandum of agreement (MOA) signing of partnership sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at ilang mga Department of Health (DOH) hospital sa National Capital Region (NCR) at ilang karatig probinsya kahapon.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsama-sama ang karamihan sa malalaking pampublikong pagamutan sa bansa na aabot sa 15 upang magsilbing referral hospital ng mga pasyente na magmumula sa lalawigan ng Quezon.

Kabilang sa mga partnered DOH hospital ang Amang Rodriguez Memorial Medical Center, Batangas Medical Center, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, East Avenue Medical Center, Jose R. Reyes Memorial Medical Center, Lung Center of the Philippines, National Children’s Hospital, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Children Medical Center, Philippine Heart Center, Philippine Orthopedic Center, Quirino Memorial, Medical Center, Rizal Medical Center, San Lazaro Hospital, Tondo Medical Center, Quezon Medical Center.

Ikinatuwa ni Governor Tan ang ipinakitang pagtitiwala ng mga nasabing pagamutan na aniya’y malaking ginhawa sa mga lokal na ospital sa probinsya.

Nagpakita ng suporta si DOH OIC-Secretary Vergeire kasama si Health Usec. Nestor Santiago Jr. sa ninanais ng gobernadora na implemetasyon ng Universal Health Care Law sa lalawigan ng Quezon.

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with