^

Probinsiya

‘Most wanted’ timbog sa 21-bilang ng rape

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
‘Most wanted’ timbog sa 21-bilang ng rape
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Oliver Paul Garcia, 38-anyos at residente ng Dasmariñas City, Cavite.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang 38-anyos na most wanted person (MWP) dahil sa 21 bilang ng kasong panggagahasa sa isinagawang pagsa­lakay sa pinagtataguan nito sa Barangay Sto. Niño 2, Dasmariñas City, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Oliver Paul Garcia, 38-anyos at residente ng Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Police Office directore PCol. Christopher Olazo, ikinasa ang ope­rasyon laban sa suspek ng mga operatiba ng Cavite Provincial Mobile Force Company (CPMFC) at Dasmariñas City Police Station kamakalawa ng hapon matapos makakuha ng impormasyon sa hideout nito.

Bitbit ang mga warrant of arrest na inisyu ni Josielyn D. Lara-De Luna, assisting judge ng Reguional trial Court (RTC) Branch 90 (129) Fourth Judicial Region Dasmariñas City, Cavite para sa 11-counts ng rape sa ilalim ng Art. 266-A par 2. of RPC at isa pang warrant of arrest para naman sa 10-counts ng rape sa ilalim ng Art. 266-A par.1(d) na may kaugnayan sa R.A. 7610 at walang piyansang inirekomenda.

Ang suspek ay sinasabing isa sa mga nakatala bilang MWP sa regional level ng pulisya.

MWP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with