^

Probinsiya

Pagpapakawala ng tubig sa mga dam sanhi ng baha sa Bulacan, pinabubusisi

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Pagpapakawala ng tubig sa mga dam sanhi ng baha sa Bulacan, pinabubusisi
Ito ay matapos na lumikas ang 3,500 Bulakenyong pamilya at makapagtala ng P17 milyong pagkasira sa agrikultura dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng hanging amihan na sinabayan ng pagpapakawala ng tubig ng mga dam na naging dahilan ng pagbaha sa ilang bayan ng Bulacan kabilang ang Norzagaray, San Rafael, Calumpit, Paombong, Angat, Bustos, Pulilan, Hagonoy, Plaridel at lungsod ng Baliwag.
Cesar Ramirez/File

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nanawagan si Gobernador Daniel Fernando sa mga ahensya na konektado sa pagpapakawala ng tubig mula sa mga dam ng Angat, Ipo, at Bustos sa isang pagpupulong kasama ang mga stakeholder ng dam na masusing pag-aralan ang kanilang mga protocol sa pagpapakawala ng tubig at ikonsidera ang mga tao na direktang naaapektuhan ng kanilang mga desisyon.

Ito ay matapos na lumikas ang 3,500 Bulakenyong pamilya at makapagtala ng P17 milyong pagkasira sa agrikultura dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng hanging amihan na sinabayan ng pagpapakawala ng tubig ng mga dam na naging dahilan ng pagbaha sa ilang bayan ng Bulacan kabilang ang Norzagaray, San Rafael, Calumpit, Paombong, Angat, Bustos, Pulilan, Hagonoy, Plaridel at lungsod ng Baliwag.

“Marami ang nasirang bahay, nawala ang ari-arian, nawala ang mga gamit. Mabuti na lamang po at walang buhay na nawala dahil naagapan ng ating mga mayor at ating MDRRMOs. Although nagbibigay naman kayo ng alarma, but in my opinion and in my observation, it was not sufficient, it was not enough,” anang gobernador.

Ipinunto ng gobernador na noong Enero 4, naabot ng Angat Dam ang spilling level nito na 212 mts. ngunit walang pagpapakawala na naganap kahit pa ayon sa mga forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), malakas pa rin ang pag-ulan sa araw na iyon.

“Bakit hindi pa natin inunti-unting inilabas noong 212 mts. pa lang? Bakit hinintay pa natin na umabot ng 215 mts. noong January 5 bago tayo nagpakawala? Naiintindihan ko naman na kailangang magpakawala ng tubig dahil mas mara­ming maaapektuhan kapag hindi nag-release. Pero pwede naman pala na pumitik-pitik na ng release nung 212 mts. pa lang. Hinintay pa natin na tumaas, saka tayo nagpakawala ng mataas na volume ng tubig,” pagsiyasat niya.

Ipinaliwanag ni National Power Corporation (NPC) Department Manager Conrado Sison, Jr. na dahil non-flood season, kailangan nilang mag-imbak ng tubig upang may magamit na sapat na tubig pagdating ng tag-araw. Nangako si Sison na patuloy na makikipag-usap sa iba pang ahensya kabilang ang National Water Resources Board, PAGASA, National Irrigation Admi­nistration at Metropolitan Waterworks and Sewerage System upang mapag-usapan ang nasabing isyu.

BAHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with