^

Probinsiya

2 suspek sa pagpatay sa driver dahil sa curfew, naaresto

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 suspek sa pagpatay sa driver dahil sa curfew, naaresto
Kinilala ni Cavite Provincial Director Police Col. Christopher Olazo ang mga suspek na sina Ronald Marquez at Ariel Layam; kapwa residente ng Barangay Conchu, Trece Martires City, Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Nadakip na ng mga awtortidad ang dalawang suspek sa pagpatay sa isang jeepney driver na nanita hinggil sa ipinatutupad na curfew sa isang subdibisyon kamakalawa sa lungsod ng Trece Martires City.

Kinilala ni Cavite Provincial Director Police Col. Christopher Olazo ang mga suspek na sina Ronald Marquez at Ariel Layam; kapwa residente ng Barangay Conchu, Trece Martires City, Cavite.

Ang pagdakip sa dalawang suspek ay kasunod sa naganap na pamamaril sa Summer Homes Subdivision, Barangay Cabuco kamakalawa ng gabi kung saan sinita ng biktimang si Mel Aubray Mijares, jeepney driver ng Barangay Conchu, Trece Martires, ang dalawang suspek hinggil sa ipinatutupad na curfew sa nasabing lugar.

Ikinagalit naman ito ng dalawang suspek kung kaya pinagbabaril umano nila ang biktima saka tumakas.

Sa follow-up na ikinasa ng pulisya, naaresto ang mga suspek sa tapat ng Barangay Hall ng Barangay Cabuco, Trece Martires City.

Lumabas din sa unang ulat ng pulis­ya na ang dalawang suspek ay kapwa mi­yembro ng Civil Security Unit sa lungsod ng Trece Martires.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang Armscor caliber .9mm, 2-magazines, 13 na bala , isang caliber .38 na kargado ng mga bala, isang kutsilyo, 3-empty shells, isang slug at isang motorsiklo.

ARESTO

CURFEW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with