P1.7 milyong expired goods sinunog sa Cavite
CAVITE, Philippines — Aabot sa halagang P1.7 milyon ng iba’t ibang uri ng expired na gamot at pagkain, mga damit at iba pang gamit ang sinunog sa pamamagitan ng thermal decomposer sa lungsod ng Trece Martires City kahapon.
Pinangunahan ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pagsunog sa mga abandonado at expired goods na dumating noong Enero 6 nang walang mga kaukulang permit, sa thermal decomposer (Pyrolysis) facility ng Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa nasabing lugsod.
Ayon sa Bureau of Customs-NAIA sa supervision ng Port’s Auction and Cargo Disposal Division (ACDD), sinira ang mga goods hinggil sa walang mga kaukulang permit at hindi rin umano ito ligtas sa tao. Maaari aniyang magkasakit ang sinumang makabibili ng mga nasabing produkto.
Ayon kay District Collector Carmelita Talusan, bukod sa ilegal ang mga nasabing produkto, maaaring magkasakit ang mga consumer hinggil sa hindi umano ito protektado at expired ang karamihan.
- Latest