^

Probinsiya

3 pulis na pumaslang sa anak ng mayor ng Sariaya at aide, guilty

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
3 pulis na pumaslang sa anak ng mayor ng Sariaya at aide, guilty
Ang tatlong pulis na nahatulan ng dalawang habambuhay na pagkakulong na sina dating Tayabas City Police Chief Supt. Mark Laygo, (gitna) at dalawa niyang tauhan habang dumadalo sa pagdinig sa kanilang kaso.

2 habambuhay na pagkakulong…

MANILA, Philippines — Hinatulan ng korte na guilty sa kasong double murder na may katapat na kaparusahang “Reclusion Perpetua” o habang buhay na pagkabilanggo ang dating hepe ng Tayabas City Police Station at dalawa niyang mga tauhan dahil sa pagpaslang sa anak ng mayor ng Sariaya, Quezon at aide nito tatlong taon na ang nakalilipas.

Sa inilabas na hatol ni Regional Trial Court (RTC) Branch 53 Lucena City Judge Dennis Galahad Orendain ay napatunayang guilty sa  double murder case sina dating Police Supt. Mark Joseph Laygo, Cpl. Lo­nald Sumalpong at Pat. Robert Legazpi.

Magugunita na noong March 19, 2019 ay natagpuang patay at tadtad ng tama ng bala sa katawan sa Tayabas City ang anak ni Ma­yor Marcelo Gayeta na si Christian, 21; at aide nitong si Christopher Manalo, 38.

Sa inilabas na police report ng Tayabas City-PNP ay nakasaad na may dalawang lala­king nangholdap sa isang gasolinahan at na­paslang sa checkpoint.

Kinalaunan ay na­tuklasan ang tunay na pagkakakilanlan ng mga biktima at lumabas na walang holdapan na nangyari at pinaslang ang mga ito ng dalawang akusadong pulis na naka-assign sa intelligence section.

Ininguso rin ng wit­ness na isa nilang kabaro na ang pamamaslang sa mga biktima ay may basbas ng kanilang hepe na si dating Supt. Laygo na una nang  itinatanggi.

Bagama’t nakamit na ang hustisya, sinabi ni Sariaya Mayor Ga­yeta na patuloy nilang babantayan ang lagay ng mga akusado. - Michelle Zoleta

SUSPECT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with