12 barangay sa Isabela City, Basilan nalubog sa baha
COTABATO CITY, Philippines — Libu-libong residente ang naapektuhan matapos na malubog sa baha ang nasa 12 na barangay sa Isabela City, Basilan dulot ng flashfloods dahil sa malalakas na pag-ulan nitong Miyerkules ng madaling araw.
Ayon sa mga lokal na opisyales at personnel ng Isabela City Disaster Risk Reduction and Management Office, nagpadala sila ng mga calamity responders o rescuers sa mga binahang lugar upang tuntunin at sagipin ang mga residente patungo sa mataas at ligtas na lugar.
Partikular na lubhang tinamaan ng mga pagbaha ay ang Barangays Baluno, Lanote, Aguada, Sunrise, Cabunbanta, Menzi, Sumagdang, Makiri, Isabela Proper, Riverside, Kumalarang at Tabuk.
Habang sinusulat ang ulat na ito, tulung-tulong ang mga rescue teams mula sa local government unit, pulisya Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard at mga sundalo mula sa units ng Philippine Army-101st Infantry Brigade para sa paglilikas sa mga residente sa mga binahang lugar.
- Latest