^

Probinsiya

Rider na nakabundol sa Batangas nasagasaan din ng trak, patay

Philstar.com
Rider na nakabundol sa Batangas nasagasaan din ng trak, patay
Kuha ng Sto. Tomas, Batangas mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang nagmomotorsiklo sa probinsya ng Batangas matapos sumemplang at masagasaan ng trak — pero bago ito, nakadisgrasya muna siya ng tumatawid na pedestrian.

Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Southern Tagalog," Martes, ibinalita kung paano nahagip ng rider na si Oliver Daquiatan ang mag-asawang sina Rowena Rodriguez at Eduardo Gardoche sa Sto. Tomas na siyang nagdala ng panibagong trahedya. 

"Noong tatawid po kami [sa pedestrian lane sa Maharlika highway], chineck po namin 'yung daan. Bali sobrang layo po noong trak na darating. Kaya tumawid po kaming mag-asawa," ani Rowena.

"Noong nasa gitna na po kami, biglang may nagbunggo na sa aking motor."

Napuruhan sa iba't ibang bahagi ng katawan si Rodriguez habang sugat lang sa tuhod ang tinamo ni Gardoche. Halos hindi makagalaw tuloy ang nauna dahil sa pinsala.

Sa bilis ng pangyayari, sumemplang si Daquiatan sa kanyang motorsiklo sa kalsada. Pero habang papatayo na, bigla nang nasagasaan ng trak ang lalaki.

"'Yung trak, paparating. Para-para ako nang ganyan, [sabi ko], 'Hinto! Hinto!' Humihingi ako ng tulong," wika ni Eduardo.

"Tapos 'yung trak, hindi siya huminto eh. Umiwas lang siya sa amin tapos dire-diretso siya. Ngayon natumbok niya 'yung driver na nakabangga sa amin." 

Ayon kay PMaj. Allan Nidua, deputy chief ng Sto. Tomas City Police Station, mabilis ang patakbo ng parehong motorsiklo at trak nang mangyari ang disgrasya. 

Napag-alamang tubong-Taguig City pa ang rider ng motorsiklo matapos ang insidente, na siyang nagtamo ng sari-saring pinsala sa katawan.

"Kahit na anong... gawin ko, eh nangyari na... Ang sa akin na lang sana, babaan naman nila 'yung hinihingi nila sa akin. Masyadong malaki 'yung hinihingi nilang P2 million," paliwanag ng driver ng trak na si Gerardo Bancale habang itinatangging mabilis ang kanyang patakbo.

"Simpleng tao lang naman ako, naghahanap buhay din ako. Tska hindi intentional 'yun para hingian nila ako ng ganoon."

Nahaharap sa reckless imprudence resulting to homicide and damage to property si Bancale habang hawak ng pulisiya. — James Relativo

vuukle comment

BATANGAS

MOTORCYCLE

ROAD CRASH

TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with