Buntis napaanak, beybi nabitawan, nalunod
Habang naliligo sa dagat
MARIVELES, Bataan, Philippines — Hindi na nabigyan ng pagkakataon na mabuhay ang kasisilang lang na sanggol nang malunod ito matapos na biglang mapaanak ang isang ginang habang naliligo sa dagat sa Villa Carmen Barangay Mountain View ng bayang ito.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang pulisya kamakalawa ng hatinggabi na kung saan ay magkasamang naliligo sa dalampasigan ang mag-live in partner na sina Leonardo Capino at buntis na si Jonalyn Malacaman nang biglang manakit ang kanyang tiyan at tuluy-tuloy na nanganak.
Bagama’t nailuwal ng ginang ang lalaking sanggol, aksidente naman umanong nabitawan nito hanggang sa mahulog at tuluyang malunod ang anak.
Dali-dali umanong sinagip ni Capino ang kanilang beybi mula sa pagkakalunod sa dagat saka mabilis na isinugod sa Mariveles Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente kung mayroong pananagutan sa batas ang mag-live in partner sa pagkasawi ng sanggol.
- Latest