Driving school sa Palawan, sinuspinde ng LTO

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng 30-araw ng Land Transportation Office (LTO) ang operasyon ng isang driving school sa Palawan habang iniimbestigahan ito sa posibleng paglabag sa akreditasyon. 

Iniutos ni LTO-MIMAROPA Acting Regional Director Manuel Betaizar ang suspensyon sa gitna ng ginagawang pagsisiyasat sa umano’y paglabag ng driving school sa Article VII Section 26.c.7 (Prohibitions for Driving Institutions) ng LTO Memorandum Circular 2021-2284. 

Kasunod ito ng natanggap na mga reklamo ukol sa sinasabing iregularidad sa paggamit ng accreditation ng nasabing driving school, partikular sa pagsasagawa ng Theoretical Driving Course (TDC) at Driving Enhancement Program (DEP) nito sa labas ng inaprubahang silid-aralan ng LTO. 

Kasabay nito, pinaalalahanan ng LTO ang mga accredited driving school sa buong bansa na maging maingat sa kanilang pagsasagawa ng driver training courses.

Binigyang-diin ni LTO Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang kahalagahan ng wasto at maayos na pagtuturo sa mga nagnanais na maging drayber.

Show comments