^

Probinsiya

Killer ng modelong trader sa Davao, pinasusuko!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Killer ng modelong trader sa Davao, pinasusuko!
Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos and Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. held a press conference at Camp Crame on Wednesday (September 14, 2022).
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — ‘Para ‘di mapatay ng mastermind’ – Abalos

Pinasusuko na ni Interior and Local Go­vernment Secretary Benjamin Abalos Jr. ang bumaril at pumatay sa negosyante at mo­delong si Yvonette Plaza sa Davao City noong Disyembre 28.

Ang panawagan ay ginawa ni Abalos matapos ang kanyang personal na pagdalo sa isinagawang conference sa Davao City Police Office kaugnay sa imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa 38-anyos na biktima.

Pinaalalahanan din ni Abalos ang gunman na may nakapataw na pabuya sa kanyang ulo at binalaan pa na baka mismong ang mastermind o utak sa krimen ang magpapatay sa kanya kung hindi pa susuko sa lalong madaling panahon.

“Ako’y nanawagan kung nandyan ‘yung gunman ngayon. May reward na nakapataw sa ulo mo, mag-ingat ka baka mamaya ‘yung mismong nag-utos sa iyo ang papatay sa iyo rito,” panawagan ni Abalos.

“Kaya kung ako sa iyo, magdalawang-isip ka. Mas mabuting sumuko ka na,” aniya pa.

Nauna rito, nag-alok ng P1 milyong pabuya ang pulisya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para matukoy ang pagkakakilan ng riding-in-tandem na bumaril sa biktima.

Nangako si Abalos sa mga kaanak ng biktima na gagawin nila ang lahat upang mahuli ang mga salarin sa krimen.

Inatasan na rin ng kalihim ang binuong Special Investigation Task Group (SITG) na madaliin ang pagtukoy sa mga pumaslang sa biktima upang mapanagot sa krimen.

Hiling naman ng ina ng biktima na si Henrietta na mabigyan ng hustisya ang sinapit ng kanyang anak.

vuukle comment

BENJAMIN ABALOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with