^

Probinsiya

#BrigadangAyala: Ayala employees, namahagi ng Noche Buena packs sa 6,000 na pamilya sa 6 na probinsya

Pilipino Star Ngayon
#BrigadangAyala: Ayala employees, namahagi ng Noche Buena packs sa 6,000 na pamilya sa 6 na probinsya
Mahigit 500 na empleyado at volunteers mula WeAreAyala Business Club (WAABC) ang nagtungo sa 15 na lugar mula sa anim na probinsya upang ibahagi ang Noche Buena packs na may lamang grocery items na nagkakahalaga ng P1,000. Ang mga benepisaryo ay pinili sa mga komunidad mula Pampanga, Cebu, Negros, Iloilo, Cagayan de Oro and Davao.
Natalie Mae Lotho / Photo Release

MANILA, Philippines — Ilang raw bago sumapit ang Pasko ay namahagi ang #BrigadangAyala ng Noche Buena packages sa 6,000 na pamilya sa magkakahiwalay na probinsiya sa buong bansa.

Mahigit 500 na empleyado at volunteers mula WeAreAyala Business Club (WAABC) ang nagtungo sa 15 na lugar mula sa anim na probinsya upang ibahagi ang Noche Buena packs na may lamang grocery items na nagkakahalaga ng P1,000.

Ang mga benepisaryo ay pinili sa mga komunidad mula Pampanga, Cebu, Negros, Iloilo, Cagayan de Oro at Davao.

Namahagi ang #BrigadangAyala ng noche buena packs sa Brgy. Sudlun sa Cebu City at Looc sa Mandaue City.
Photo Release/Debbie Pasanting

"This is the third Christmas since the pandemic started, so we in the Ayala community wanted to do something, and decided to make Christmas extra special for some of our kababayans. Ngayong Pasko, sagot namin ang noche buena ng 6,000 na pamilya," ani Rene Almendras, Ayala Corporation's Group Head of Public Affairs. 

"As we bring #BrigadangAyala to the areas we serve, we want our employees to be more involved and share in the joy of giving, dahil mas masarap mag-celebrate ng Pasko kapag nakakapagbigay tayo ng ngiti at pag-asa sa ating kapwa Filipino," dagdag ni Alemndras.

Namahagi ang #BrigadangAyala ng noche buena packs sa Iloilo City, Pavia, at San Miguel sa Iloilo
Photo Release//Reynard Buga-ay.

Ipinamigay ang mga nasabing Noche Buena packs sa pamamagitan ng iba’t ibang WAABC chapters na binubuo ng mga empleyado mula sa iba’t ibang business units ng Ayala group. Sinusulong ng WAABC chapters ang business synergy, community engagement, external relations at culture building.  

Noong Disyembre 2021, isinagawa ng #BrigadangAyala ang isang 12-week food distribution program na naglalayong matulungan ang mahigit 10,000 na pamilya. Sa ilalim ng programang ito ay makakatanggap ang bawat pamilya ng isang linggong supply ng bigas, gulay, prutas at tinapay.

Namahagi ang #BrigadangAyala ng noche buena packs sa Talisay at Bacolod City sa Negros Occidental
Photo Release/Therese Borromeo

Ang mga benepisaryo ng programang ito ay ang mga breadwinner na nawalan ng kabuhayan noong tumama ang pandemya.

Sa oras ng kalamidad at sakuna, nagbibigay ng tulong ang #BrigadaAyala sa mga lubhang naapektuhan na komunidad. Katulad noong Agosto nang tumama ang magnitude 7.0 na lindol; noong Setyembre nang tumama ang Super Typhoon Karding; at noong Disyembre nang tumama ang Typhoon Odette.

Namahagi ang #BrigadangAyala ng noche buena packs sa Cagayan de Oro at Davao
 
Photo Release/Minnette Lauro and Joy Cruzada

Nagsasagwa rin ang #BrigadaAyala ng samu’t-saring programa patungkol sa social development at corporate social responsibility. Kasama rin ang disaster relief and response, public education assistance, championing of social enterprises, public health advocacy atbp.

AYALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with