^

Probinsiya

18-anyos dalagang estudyante pinatay sa loob ng bahay

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon
18-anyos dalagang estudyante pinatay sa loob ng bahay
Kinilala ang nasa­wi na si Juana Mae Mas­lang, na natagpuang na­liligo sa sariling dugo dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Natagpuang naliligo sa sariling dugo ang isang 18-anyos na dalagang estudyante sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Pulungbulu, Angeles City, Pampanga, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasa­wi na si Juana Mae Mas­lang, na natagpuang na­liligo sa sariling dugo dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat, nabatid na ang biktima ay naiwang mag-isa sa kanilang bahay at nang dumating ang tiyuhin ay niyaya itong kumain.

Subalit, hindi sumasagot ang biktima at nakita ng tiyuhin na bukas ang pinto sa likuran ng bahay at nang puntahan ang silid ay nakita na duguang nakahandusay ang pamangkin.

Agad dinala ang biktima sa Sacred Heart Hospital, subalit namatay din ito habang nilalapatan ng lunas dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, nagbigay naman si Angeles City mayor Carmelo “Pogi” Lazatin ng P50,000 re­­ward sa sinumang makapagtuturo kung saan at sino ang mga suspek upang agad na maaresto.

Binigyan ni Lazatin ang Angeles City police ng 72-hours para sa agarang pag-aresto sa mga suspek.

ANGELES CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with