^

Probinsiya

Jeep tinangay ng baha: 8 nalunod

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Jeep tinangay ng baha: 8 nalunod
Ang pampasaherong jeep na ang kalahating parte ay lumubog sa ilog matapos ta­ngayin ng malakas na agos habang tumatawid sa ilog ng Barangay Sta. Ines, Tanay, Rizal na ikinasawi ng 7 senior citizen at 5-anyos na bata.
Michael Baylon

MANILA, Philippines — Patay ang walong katao matapos na malunod nang anurin ng flash flood ang sinasakyan nilang jeep habang tumatawid sa ilog sa Tanay, Rizal kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Teri­sita Quinto, Myller Kit Fernandez, Leonida Doroteo, Salvacion Delgado, Carmen Dela Cruz, Esmena Doroteo, Avelino Buera at Deodora Buera.

Sugatan din naman sa insidente at nila­lapatan ng lunas sa pagamutan, ang isang ginang, na sinasabing asawa ng driver na nagmamaneho sa naturang jeep.

Lumilitaw sa inisyal na ulat ng Tanay Municipal Police Station na dakong alas-8:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa Barangay Sta. Ines sa Tanay.

Ayon kay Tanay, Rizal Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) chief Norberto Francisco M­atienzo Jr., bago na­ga­nap ang insidente ay umarkila ang mga biktima at iba pang residente ng dalawang jeep upang ihatid sila sa kabayanan, na may dalawang oras ang biyahe mula sa kanilang barangay.

Sinasabing nagtungo ang mga ito sa kabayanan upang kumuha ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at namili na rin ng mga kagamitan.

Nang papauwi na ay bigla na lang nabalahaw ang isang jeep  na sinasakyan ng 25 katao, kabilang ang mga biktima sa ilog.

Humingi ng tulong ang driver nito sa kasamahan nilang jeep na tumatawid din sa ilog, upang hilahin sila at makaahon sa pampang.

Kaagad naman uma­nong hinila ng jeep ang nabalahaw na sasakyan, ngunit nang makaahon ang humihilang jeep, ay big­la umanong dumating ang isang flash flood sanhi upang tangayin ng malakas na agos ng tubig ang hinihila nitong sasakyan.

Mabilis namang ru­mesponde ang mga residente ngunit tumagilid ang jeep at tina­ngay ng agos ang mga pa­sahero na nagresulta sa pagkalunod ng mga biktima.

FLASH FLOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with