Lider, 5 miyembro ng drug group, timbog!

CAVITE, Philippines — Arestado ang lider ng isang kilabot ng drug syndicate at lima nitong tauhan sa isinagawang drug bust operation ng pulisya kahapon ng madaling araw sa Barangay San Esteban, Dasmariñas City.

Kinilala ang mga sus­pek na sina Walter Galang Santos, umano’y lider ng “Walter Santos Drug Group” at ang mga mi­yembro nito na sina David Santos, Marites Gadi­ngan, Resalito Guarin, Donita Ragrag at Jaypee Barcelona, pawang nasa hustong gulang at high value target ng pulisya.

Sa ulat sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col. Christopher Olazo, alas-12:21 ng madaling araw nang ilatag ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit-Cavite Provincial Police Office (PPO), Regional-DEU at Philippien Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buy-bust laban sa mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang pitong plastic sachet na naglalaman ng mahigit sa 50 gramo ng shabu na aabot sa halagang P340,000, drug paraphernalias at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Show comments