Bulkang Kanlaon nasa alert level 1

Ayon sa Phivolcs, naobserbahan ang bahagyang pamamaga ng bulkan,subalit wala naman naitalang pagsingaw ng usok sa bunganga ng bulkan.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Matapos makapagtala ng dalawang volcanic earthquake sa nakalipas na magdamag iniulat kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na itinaas nila sa alert level 1 ang Bulkang Kanlaon.

Ayon sa Phivolcs, naobserbahan ang bahagyang pamamaga ng bulkan,subalit wala naman naitalang pagsingaw ng usok sa bunganga ng bulkan.

Kaya’t mahigpit na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sino man sa 4-kilometer (4km) radius Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng bulkan.

Nagbabala rin ang ahensya na ipinagbabawal ang pagpapalipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog.

Ang bulkang Kanlaon ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas na pag-aalboroto nito na matatagpuan sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental.

Show comments