‘Utak’ sa pagpatay sa Cavite, 2 pang kasabwat timbog
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang mastermind sa pagpatay sa isang 32-anyos na lalaki sa Cavite at dalawa nitong kasabwat ang nasakote ng mga awtoridad sa ikinasang operasyon sa Dasmariñas City, kahapon.
Ayon kay Col. Christopher Olazo, Cavite police director, ang pagpatay sa biktimang si Emman Christopher Ortega, 32, ay kinokonsidera ng ng pulisya na lutas na matapos na madakip ang sinasabing utak sa krimen na si Renante Malipot alias “Dodong” at dalawang kasamahan nito na ‘di pa pinangalanan.
Sinabi ni Olazo na naaresto si Malipot sa hot pursuit operation operasyon sa Barangay Langkaan, Dasmariñas City, kahapon habang kasunod na nadakip ang dalawa pa matapos na inguso ng una dahil sa kanilang partisipasyon sa pamamaslang kay Ortega.
Sa ulat ng pulisya, si Malipot ay pumunta sa bahay ng biktima para komprontahin dahil sa sumbong ng anak nito na malisyosong panghihipo sa katawan nito na nagbunsod ng kanilang bangayan sa Barangay San Jose nitong Miyerkules.
Galit na galit umano si Malipot sa ginawa ng biktima sa kanyang anak kaya binaril niya si Ortega na isinugod naman ng mga saksi sa Pagamutan ng Dasmariñas Hospital matapos na magtamo ng tama ng bala pero idineklarang dead-on-arrival.
Nabatid na nasamsam mula sa suspek ang caliber .38 armscor na ginamit nito sa pagpatay sa biktima.
- Latest