^

Probinsiya

Presyo ng pyrotechnics sa Bocaue, tumaas

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

BOCAUE, Bulacan, Philippines — Mahigit isang buwan bago salubungin ng mga Pilipino ang taong 2023, sumirit pa ang presyo ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices na ibi­nebenta sa lalawigang ito.

Ayon kay Lea Ala­pide, pangulo ng Philippines Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc., kabilang sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng paputok ang kakulangan ng kanilang stocks bukod pa aniya sa nagtaasan ang presyo ng mga kemikal sa paggawa nito at kasabay din sa pagsipa ng presyo ng gasolina, papel at iba pang gastusin.

Kasama sa mga nagtaas ng presyo ay ang 16-shot aerial pyrotechnics na dating nasa P950 at ngayo’y P2,000 na.

Bunsod rin ito ng ipina­tupad na lockdown dahil sa pandemyang hatid ng COVID-19, kina­pos uma­no ng oras sa pagbili ang mga ma­nufactu­rers ng paputok.

Nauna rito, mata­tanda­ang sinabi ng Pyrotechnics Regulatory Board ng Bulacan kay Gov. Da­niel Fernando, na ang pagsabog noong na­karaang ta­on sa isang pabrika ng kemikal sa China, na pangunahing supplier ng lokal na industriya ng pa­pu­tok, ay nag-ambag sa kakula­ngan ng mga hilaw na ma­teryales.

Samantala, nananawagan ang mga guma­gawa ng paputok partikular sa bayan ng Sta. Maria na habulin ng gobyerno ang mga on­line seller na walang safe­ty training at permit.

GLOBAL PYROTECHNICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with