MANILA, Philippines — Daan-daang residente sa lalawigan ng Cavite ang nabiyayaan ng Rotary Club of Malate Prime (RCMP) na pinamumunuan ni Phenomenal Leader President Roland T. Lim matapos ang isinagawang dalawang round ng relief operations sa iba’t ibang bayan at lungsod para sa mga biktima ng nagdaang bagyong Paeng, kamakailan.
Kasama ni PLP Lim na bumiyahe sa lalawigan ang mga opisyales ng RCMP dala-ang mga reliefs items sa unang round ng proyekto na pinamagatang “RC Malate Prime Oplan Love Cavite”.
Ang RCMP team ay nagtungo sa mga lungsod ng Gen. Trias, Noveleta at Imus, at itinurn over sa mga lokal na opisyales ang mga saku-sakong bigas, kahun-kahong instant noodles at mga delata at mga facemasks sa mga local government officials.
Sa unang bahagi ng proyekto, naging mainit ang pagtanggap nina Gen. Trias Mayor Luis A. Ferrer IV, Noveleta City Mayor Dino Reyes Chua at mga opisyales ng Imus City kay PLP Lim at sa RCMP officers na sina IPP/LCP Rommel Roxas, TP Jimmie Ocampo, WCP Ronilda Reluya, CS Osang Saren, Rtn. Tamara Gutierrez, at Rtn. Tohamie Andamun.
Sa ikalawang bahagi ng relief operation, pinuntahan ni PLP Lim noong Nob. 8, 2022 kasama ang mga opisyales at miyembro nito sa mga lungsod ng Kawit at Bacoor kung saan daan-daang residente ang nabiyayaan.
Namahagi ang RCMP sa dalawang siyudad ng mga sacks of rice, boxes of instant noodle, at boxes of face masks.
Mismong sina Kawit Mayor Angelo Aguinaldo at Bacoor Mayor Strike Revilla ang nag-welcome kay PLP Lim at sa mga opisyales at miyembro nito na sina IPP/LCP Rommel Roxas, PP Don Brabante, CS Osang Saren, Rtn. Liza Brabante, Rtn. Tamara Gutierrez at Rtn. Bong Mercado.
Ang completion report ng relief operations ng RCMP ay naisakatuparan sa isinagawang interview ng mamamahayag na si Mae Binauhan ng DZRH Public Service Hour na katuwang sa proyekto.