109 katao, tinamaan ng amoebiasis sa Cagayan

Sa inisyal na ulat ng Provincial Health Office (PHO), ang 109 na pas­yente ay mula sa mga bayan ng Allacapan, Aparri, Buguey, Camalaniugan, Gattaran, Lal-lo, Lasam, kabilang na rin ang ilang residente mula sa kalapit na lalawigan ng Kalinga.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines —  Umabot na sa 109 na katao ang naita­lang tinamaan ng sakit na amoebiasis sa ilang bayan sa lalawigang ito.

Sa inisyal na ulat ng Provincial Health Office (PHO), ang 109 na pas­yente ay mula sa mga bayan ng Allacapan, Aparri, Buguey, Camalaniugan, Gattaran, Lal-lo, Lasam, kabilang na rin ang ilang residente mula sa kalapit na lalawigan ng Kalinga.

Ayon sa report na nakarating sa Cagayan Provincial Information Office, nag-umpisang maitala ang mga kaso ng amoebiasis sa mga nabanggit na lugar matapos ang malawakang pagbaha sa buong lalawigan ng Cagayan dahil sa mga nagdaang bagyo.

Batay sa pagsusuri na isinagawa ni Dr. Carlos Cortina III ng PHO, lumalabas na positibo sa amoebiasis ang mga pasyente base na rin sa resulta ng kanilang laboratory tests.

Ipinaliwanag ni Cortina na ang sintomas ng amoebiasis ay ang ma­tinding pananakit ng tiyan na halos kahalintulad sa cholera.

Dahil dito, pinayuhan ang mga residente na suriing mabuti ang mga iniinom na tubig at siguraduhin na malinis ang mga ito.

Show comments