'Tuparin niyo': Gov't workers hinamon Marcos, DBM ibigay P33k minimum wage

Major public sector union federations representing the broadest convergence of government workers held a forum to announce their manifesto of unity to fight for their constitutional rights to a living wage, job security, and union rights in Quezon City on Tuesday.

MANILA, Philippines — Matapos itulak ng government workers at mga unyon ang P33,000 national minimum wage, inudyok nila ang Department of Budget and Management na totohanin ang planong taasan ang sahod ng mga kawani ng pamahalaan.

Una na kasing sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na pinag-aaralan na nila ang "next tranche" ng increase sa sweldo ng civil servants sa 2023.

"This response is not enough. The present state of salaries and benefits of government workers requires more urgent and concrete response from the Bongbong Marcos administration. We challeñge President Marcos Jr. to 'walk the talk,'" wika ni COURAGE Secretary General Mr. Manny Baclagon, Miyerkules.

"For example, he can make  executive  issuances to increase present benefits being received now such as the Personnal Economic Relief Allowance (PERA), Special Relief Incentive (SRI) and Gratuity Pay for job orders and contract of sèrvice (JOCOS) workers, aside from certifying as urgent the passage of bills to increase the inflation-eroded salaries of government workers."

Ang panawagan ay ikinakasa ngayon ng mga mayor na samahan ng government workers at unyon habang nasa 7.7% ang inflation rate, ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa halos 14 taon

Family living wage

Kahapon lang nang sabihin ni Mike Maga, secretary general ng  Philippine Independent Public Sector Employees Association (PIPSEA), na napapanahon na ang national minimum wage na P33,000/buwan lalo na kung titignan ang kasalukuyang estimates sa family living wage standards.

Kailangan daw kasi ito upang "maitama" ang income disparities at depekto ng Salary Standardization Law 5 and the Compensation and Position Classification System (CPCS) para sa Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) and Government Financial Institutions (GFIs).

Nobyembre 2022 lang nang sabihin ng IBON Foundation na P1,133/araw o P24,632/buwan ang naestima nilang kailangang sahod para mabuhay nang "disente" ang pamilyang lima ang miyembro.

Pero ayon sa National Wages and Productivity Commission, nasa hanggang P570/araw lang ang minimum wage sa Metro Manila. Ito ang pinakamataas sa Pilipinas.

"Sana naman magbigay ang Pangulo ng gratuity pay at gawin itong P10,000 at  maibigay bago magpasko ngayong taon sa aming mga JOCOS workers," wika naman ni Klifford Bartolata ng grupong Kawani Laban sa Kontraktwalisasyon (KALAKON).

Sa Inventory of Government Human Resources ng Civil Service Commission, sinasabing nasa 600,000 ang JOCOS workers ng gobyerno as of June 2022. Hindi sila kinikilala bilang government workers ng estado.

Dahil diyan, hindi sila nakakukuha ng mga benepisyo ng regular na manggagawa gaya ng year-end at Christmas bonuses kahit lagpas limang taon na sila sa serbisyo.

Nakikipagtulungan ngayon ang Courage at KALAKON kasama ang iba pang government labor groups upang maisabatas ang House Bill 204 para gawing regular ang mga nabanggit.

"Living wage and security of tenure are constitutional rights," wika ni dating Courage president at Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite.

"Government should work towards the realization of these rights. Meanwhile, all efforts towards addressing sharp deficiency in wage and benefits of all government workers including JOCOS workers should be addressed by the Macos Jr. administration now, and not later. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?" 

Show comments