^

Probinsiya

5 timbog sa drug ops sa Zamboanga Peninsula

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang lima katao nang magsagawa ng anti-drug operation ang mga awtoridad sa magkakahiwalay na lugar na nagresulta sa pagkakasamsam ng nasa P868,500 na halaga ng hinihinalang shabu sa Zamboanga Peninsula.

Ang mga suspek ay tinukoy na sina Jhon Rey Millendez, 44, Gerardo Raval, 44 na nadakip sa isang ope­rasyon, sina Chris John Ancheta, 22; Jofel Maylon, 41; at Vangeler Beltran, 41 sa kasunod na operasyon.

Ayon sa pulisya, si Millendez ay naaresto noong Huwebes ng gabi, sa Barangay Lumbayao, Kabasalan kung saan nakuha sa kanya ang nasa P1,500 na halaga ng shabu at marked money habang si Raval sa Zone 9-A, Barangay Zambowood, Zamboanga City kung saan nakuha naman dito ang nasa 70 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P476,000 at marked money.

Itinuturing sina Millendez at Raval na high-value target dahil sa kaugnayan nila sa operasyon ng droga sa probinsya.

Samantala, ang tatlo pang nabanggit na suspek ay naaresto naman sa Titay, Zamboanga Sibugay; Dipolog City, Zamboanga del Norte at Molave, Zamboanga del Sur. Nasa P391,000 halaga ng suspected shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek.

DRUG OPERATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with