^

Probinsiya

37 baboy sakay ng bangka, nasabat sa Cebu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
37 baboy sakay ng bangka, nasabat sa Cebu
Nasabat ng mga awtoridad ang mga baboy ng madaling-araw sa baybaying bahagi ng Barangay Bancasan, San Remigio na hindi naman karaniwang daungan ng mga bangkang de-motor ang naturang lugar.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasa 37 baboy na hinihinalang nagtatag­lay ng African Swine Fever (ASF) ang bigong maipasok sa lalawigan ng Cebu mula Masbate nang maharang ang bangkang de-motor na kinalululanan nito noong Linggo.

Nasabat ng mga awtoridad ang mga baboy ng madaling-araw sa baybaying bahagi ng Barangay Bancasan, San Remigio na hindi naman karaniwang daungan ng mga bangkang de-motor ang naturang lugar.

Ayon kay Dr. Rose Vincoy, Cebu provincial veterinarian, pinaigting nila ang monitoring at pagbabantay laban sa pagpasok at paglabas ng baboy dahil sa kinakaharap na ASF outbreak.

Sa ngayon iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang may-ari ng baboy kung saan walang kaukulang dokumento o permiso ang bangkero bilang patunay na legal ang pagpasok ng mga baboy sa probinsya.

Kaagad naman ginawa ang euthanasia o mercy killing sa mga baboy at inilibing sa naturang lugar para hindi na kumalat pa ang virus na posibleng magdulot ng sakit sa tao.

Kaugnay nito, nagpa­labas na rin ng kautusan si Cebu Gov. Gwen Garcia, na bawal magpasok ng mga baboy mula sa Masbate at iba pang lugar sa probinsya. Aniya, pinoprotektahan lamang nila ang P11 bilyon pork industry sa Cebu na nananatiiling ASF free.

“I do not want to see a sudden drop in the prices of pork in San Remigio because of these smuggled live hogs,” ani Garcia.

Pinuri naman ni Garcia ng tanggapan ni Vincoy sa mabilis na aksyon.

ASF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with