^

Probinsiya

Kable sumabit sa kalabaw, magsasaka kisay sa kuryente

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Kable sumabit sa kalabaw, magsasaka kisay sa kuryente
Kinilala ang biktima na si Rannel Pitogo Lagasca, 25-anyos, binata at residente ng Zone-7, Brgy.Bical, San Fernando ng lalawigang ito.
STAR/File

PASACAO, Camarines Sur, Philippines — Patay ang magsasaka matapos mangisay habang tinatanggal ang kable ng kuryente na sumabit sa katawan ng kanyang alagang kalabaw sa Sitio Camagong, Brgy.Balogo, Pasacao, Camarines Sur kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Rannel Pitogo Lagasca, 25-anyos, binata at residente ng Zone-7, Brgy.Bical, San Fernando ng lalawigang ito.

Sa ulat, dakong alas-4:40 ng madaling araw, umalis ang biktima sa kanilang bahay at naglakad na hila-hila ang kanyang kalabaw para ipastol sa kalapit na barangay sa kanugnog na bayan.

Gayunman, dahil sa madilim pang paligid ay hindi nito napansin ang nakalambiting kable ng kuryente at sumabit sa katawan ng alagang kalabaw.

Sinubukan nitong tanggalin ang kable pero nang kanyang hawakan ay nanginig ang biktima dahilan ng agaran nitong kamatayan.

vuukle comment

KURYENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with