^

Probinsiya

Bagong outpatient dept. ng BMC, pinasinayaan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Mas marami nang mga Bulakenyo ang makikinabang sa serbisyong medikal makaraang pasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel Fernando ang bagong Outpatient Department ng Bulacan Medical Center sa isang programa na isinagawa sa bagong OPD building na matatagpuan sa Bulacan Medical Center Compound, Brgy. Guinhawa kamakalawa ng umaga.

Pinondohan ng Department of Health sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (DOH-HFEP) ang dalawang palapag na gusali na may tinatayang halaga na P49 milyon, para sa lawak na 684 square meters sa unang palapag at 612 square meters sa ikalawang palapag.

Sinabi naman ni Provincial Health Officer II Dra. Hjordis Marushka Celis na bukas ang bagong outpatient department mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 am hanggang 5:00pm na may kapasidad na tumanggap ng 300-400 na pasyente bawat araw at tuwing Sabado mula 8:00am hanggang 12:00nn upang maghatid ng serbisyo na limitado sa internal medicine at pagtatanggal ng tahi.

Pamamahalaan ang bawat pasilidad sa OPD ng mga section at department heads ng BMC kabilang na ang Family Planning, OB-Gyne, Surgery Department, Treatment/Excision, Laboratory, X-Ray Room, Medical Department, Psyche/EENT, IPCC/HESU, Animal Bite Training Center, Dental Clinic, Pedia/Under 5 Clinic, Sub-Specialty Area at Pediatric Department.

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Fernando ang pasasalamat sa DOH sa pagbibigay sa lalawigan ng bagong gusaling pang-medikal.

Inanunsiyo rin ng go­bernador na ang dating outpatient department sa BMC ay magiging Department of Ophthalmology and Visual Sciences kung saan pinangunahan din niya ang groundbreaking ceremony nito sa idinaos na programa.

Para sa mga karagdagang mga katanungan at appointments, bisitahin lamang ang BMC OPD Online Appointment Facebook page o bisitahin ang link na https://www.facebook.com/BMCOPDKonsulta para sa OPD Consultation processes at mga anunsiyo.

OPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with