Quezon province nasa state of calamity
LUCENA CITY, Philippines — Isinailalim na sa state of calamity ang buong probinsya ng Quezon dahil sa laki ng pinsalang tinamo nito bunsod ng pananalasa ng bagyong Paeng.
Inaprubahan ng Sangguniang Panglalawigan ang rekomendasyon ni Governor Dra. Helen Tan makaraang lumabas sa post typhoon assessment na umabot sa P281milyon ang sinira ng bagyo sa agrikultura sa lalawigan at aabot sa P200 milyon sa imprastraktura bukod pa ang mga nasirang kabahayan at mga kabuhayan.
Samantala, hindi nakaligtas sa hagupit ng bagyong Paeng ang mga pangitlugan ng pawikan na matatagpuan sa tatlong barangay na nasa baybaying dagat ng Sariaya.
Ayon kay Sherwin Rosales, lider ng mga Bantay-Dagat sa Sariaya, mahigit sa 600 itlog ng pawikan ang na-washout sa kasagsagan ng bagyo sa mga Barangay ng Castañas, Guis guis-San Roque at Bignay 2.
Naabot din ng pagtaas ng tubig dagat ang Fish Landing na nasa Barangay Castañas at maraming kagamitan ang nasira.
- Latest