MANILA, Philippines — Habang binabayo ng ulan dulot ng bagyong Paeng ang lalawigan ng Quezon, isa namang 3.4 magnitude na lindol ang naitala sa bayan ng Polilio.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala sa may 001 kilometro ng timog silangan ng Polillo (Quezon) alas-5:56 ng umaga.
Umaabot naman sa 003 kilometro ang lalim ng lupa sa naganap na lindol at tectonic ang ugat ng lindol.
Bunsod nito, nakapagtala ang Phivolcs ng Instrumental Intensities na Intensity 4 sa Polillo, Quezon; Intensity 2 sa Infanta at Alabat, Quezon at Intensity I sa Mauban, Quezon.
Wala namang naiulat na pinasala ang Phivolcs kaugnay ng naganap na pagyanig at wala ring inaasahang aftershock ng lindol.