^

Probinsiya

3 ‘karnaper’ bulagta sa CIDG raid

John Unson - Pilipino Star Ngayon
3 ‘karnaper’ bulagta sa CIDG raid
Ang nakabalot na bangkay ng tatlong hinihinalang karnaper matapos mapaslang nang mauwi sa shootout ang ikinasang raid ng mga operatiba ng CIDG laban sa isang wanted person sa Maguindanao del Sur nitong Huwebes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Tatlong wanted persons na kasapi umano ng kilabot na carnapping syndicate ang napatay matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bayan ng Salipada K. Pendatun sa Maguin­danao del Sur nitong Huwebes.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay sa shootout na sina Dang Mamedtad, Cosme Malawan at Ronald Oriol. Sila ay pawang dead-on-the-spot dahil sa dami ng tinamong mga tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Brig. Gen. John Guyguyon, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, aarestuhin na sana ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group ang target sa operasyon na si Jehar Siya sa Barangay Midkundig ng nasabing bayan nang pumalag umano ito at mga kasamahan na nagresulta sa umaatikabong palitan ng putok.

Sa rekord, si Siya ay kabilang sa nakatalang wanted person dahil sa mga carnapping cases na nakabinbin sa mga korte. Nagawa niyang makatakas sa kasagsagan ng operasyon habang napatay ng mga miyembro ng CIDG-Bangsamoro Regional Field Office ang tatlo nitong kasamahan.

Sinabi ng mga lokal na opisyales na sangkot din si Siya sa large-scale trafficking ng shabu sa Salipada K. Pendatun at iba pang kalapit na mga bayan.

CIDG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with