^

Probinsiya

Tulay sa Pangasinan gumuho sa ‘overloading’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Tulay sa Pangasinan gumuho sa âoverloadingâ
After a portion of the Carlos P. Romulo Bridge collapsed at around 3:37 PM on Thursday, workers started replacing the damaged water pipelines in Barangay Wawa, Bayambang, Pangasinan on Friday (October 21, 2022).
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Isang tulay sa lalawigan ng Pangasinan ang gumuho dahil sa sinasabing “overloading”.

Ayon sa local go­vern­ment unit ng Ba­yambang, Pangasinan, overloading ang nakikita nilang dahilan sa pagguho ng bahagi ng Carlos P. Romulo bridge sa Barangay Wawa nitong Huwebes.

Ayon kay Bayambang Mayor Nina Jose-Quiambao, dalawang overloaded na truck na may kargang 40-50 tonelada ng kalakal ang dahilan ng pagbagsak ng nasabing tulay.

Lumabas aniya ito sa initial investigation ng Department of Public Works and Highways at provincial engineer.

“Meron pong warning sign doon na 20 tons lang ang pwedeng makarga ng bridge pero if I’m not mistaken, dalawang truck po kasi yung nagpass during that time. Mahigit 40-50 tons po yung nagpass,” ani Quiambao.

Pinatitignan ni Quiam­­bao ang report na 1970 itinayo ang tulay at inayos noong 1990.

Indikasyon ito aniya na may kalumaan na ang nasabing tulay.

Dahil dito, pansamantalang gagawa ng tulay o footbridge ang DPWH at Provincial Government ng Pangasinan habang kinukumpuni ang nawasak na tulay.

Magkakaroon din ng libreng sakay papunta at pabalik ng Brgy. San Vicente-Bayambang Municipal Hall para sa mga apektadong estudyante, manggagawa at indibiduwal.

BRIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with