MANILA, Philippines — Nasaklolohan ng mga otoridad ang apat na katao matapos gumuho ang bahagi ng Carlos P. Romulo Bridge sa Wawa, Bayambang, Pangasinan nitong Huwebes.
Ayon kay Bayambang Mayor Niña Jose-Quiambao, bandang 3:37 kahapon nang mangyari ang insidente. Sa kabutihang palad, wala naman daw namatay.
"There were two trucks involved in the incident. Thankfully, the four passengers/drivers are all safe. We are grateful because there are no casualties," sabi ni Quambao sa isang video message.
"We are currently working with the DPWH and the Provincial Government of Pangasinan for the construction of a temporary pathway or footbridge while the bridge is being fixed."
Naghanda naman na ng libreng transportasyon ang lokal na pamahalaan mula Brgy. San Vicente papuntang Bayambang Municipal Hall (at vice versa) para sa mga apektadong estudyante, manggagawa at indibidwal ng pagguho ng tulay.
Nagpaskil na rin daw sila ng mga alternatibong ruta na maaaring daanan ng mga motoristang may dalang magagagaang sasakyan sa ngayon.
"We also ask for the patience and cooperation of each and everyone as we rise above the situation. Thank you and stay safe everyone," dagdag pa ng alkalde.
Nakuhanan sa CCTV ang biglang pagbagsak ng isang bahagi ng Wawa Bridge o Carlos Romulo Bridge sa Bayambang, Pangasinan kaninang hapon, October 20. Dalawang truck ang nahulog at dalawang indibidwal din ang sugatan. #News5 pic.twitter.com/slV2anG7q0
— News5 (@News5PH) October 20, 2022
Paliwanag pa ni Quiambao, taong 1945 pa itinayo ang tulay na siyang proyekto ng DPWH.
Hulyo 2022 pa raw nang huling i-check up ang tulay matapos ang nagdaang lindol. May warning sign din daw sa bridge na tanging 20 tons lang ang pinapayagang tumawid dito.
Ang probinsya ng Pangasinan ay matatagpuan sa Ilocos Region, na siyang niragasa lang kamakailan ng Typhoon Neneng at Supertyphoon Karding. — James Relativo at may mga ulat mula sa news5