Kotse nag-dive sa irrigation canal, 2 kawani ng gobyerno dedo

Ang sasakyan ng dalawang kawani ng kapitolyo ng Kalinga na nahulog sa irrigation canal na kanilang ikinasawi kahapon ng umaga.

TABUK CITY, Kalinga, Philippines — Wala ng buhay nang makita ang dalawang lalaki na nasa loob ng sasakyan na nahulog sa irigasyon sa bahagi ng Barangay Calanan at New Tanglan, Tabuk City sa lalawigang ito kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga nasawi na sina Marlon Agnaya,empleyado ng Provincial Local Government Unit ng Kalinga at Gerald Gagelonia, isang nurse na nakatalaga sa Kalinga Provincial Capitol (KPH).

Ayon sa ulat, unang nakita ng mga miyembro ng 50th Infantry Battalion (50IB) ang isang Nissan Almera na halos nakalubog na sa irigasyon, alas-6:00 ng umaga.

Matapos maberipika ay agad silang rumes­ponde kasama ang mga miyembro ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC), PNP Tabuk, Kalinga Provincial Police Office (KPPO) at mga BFP personnel.

Isang may-ari naman ng restobar sa Barangay Masablang ang dumating sa lugar at kinumpirma na ga­ling sa kanyang restobar ang mga biktima at umalis alas-11:49 ng gabi.

Agad na dinala ang bangkay ng dalawa sa isang funeral parlor habang patuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing pangyayari.

Show comments