^

Probinsiya

Anak kinatay ng ama

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang anak matapos pagsasaksakin ng kanyang sariling ama  dahil sa matagal na nilang alitan tungkol sa pagkamatay ng kapatid ng una sa San Carlos City, Pangasinan kamakalawa.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktima na kinilalang si Sammy De Guzman, 38-anyos, habang sumuko ang amang suspek na si Salvador, 68, ng Brgy. Bolosan, San Carlos City.

Ayon kay Police Major Rommel Sembrano, chief investigator ng San Carlos City Police, naganap ang insidente kamakalawa ng gabi sa mismong bahay ng biktima at suspek na kapwa lasing.

Nauungkat umano ang matagal nang hindi pagkakaunawaan ng mag-ama sa tuwing nasa impluwensya ng alak.

Base sa pahayag ng matandang De Guzman kay Sembrano, lagi umano siyang inaaway ng kanyang anak (biktima) sa tuwing lasing at sinisisi sa pagkamatay ng kanyang kapatid.

Dito rin narinig ng suspek na nagbabalak ang biktima na patayin siya noong gabi kaya inunahan na lamang niya gamit ang isang kutsilyo.

Nakuha sa crime scene ang patalim na ginamit ng suspek sa pagpatay sa anak.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with