Batanes, Babuyan Islands hinagupit ni ‘Neneng’

Sa 11 a.m. severe weather bulletin ng Phi­lippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, ang Signal No. 3 ay nakataas sa southern portion ng Batanes at sa Babuyan Islands kaya dumanas ng storm-force winds sa loob ng 18-oras.
PAGASA

MANILA, Philippines — Hinagupit ng bag­yong Neneng ang mga lugar sa Batanes (Basco, Mahatao, Uyugan, Ivana, Sabtang), at Babuyan Islands matapos na itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Number  3 dito, kahapon.

Ang bagyong Neneng ay patuloy na nanalasa kahapon habang kumikilos pasilangan mula sa Babuyan Islands sa extreme northern Luzon pero inaasahang makakalabas na ito sa Philippine area of responsibi­lity ngayong Lunes.

Sa 11 a.m. severe weather bulletin ng Phi­lippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, ang Signal No. 3 ay nakataas sa southern portion ng Batanes at sa Babuyan Islands kaya dumanas ng storm-force winds sa loob ng 18-oras.

Ang mga lugar naman na nasa ilalim ng Signal No. 2 ay sa natitira pang bahagi ng Batanes, natitira pang bahagi ng Cagayan, Apayao, northern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Lagayan) at Ilocos Norte.

Samantala, Signal No. 1 ang northern at central portions ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Gamu, Roxas, San Mariano, Benito Soliven, Nagui­lian, Burgos, Reina Mercedes, San Manuel, Aurora, Luna, Cabatuan, San Mateo, Dinapigue, City of Cauayan), Kali­nga, natitira pang bahagi ng Abra, Mountain Pro­vince, northern portion ng Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista, Mayoyao, Hungduan, Banaue), at northern at central portions ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, City of Vigan, Santa, Caoayan, Narvacan, Nagbukel, Santa Maria, San Esteban, Santiago, Burgos, Banayoyo, Lidlidda, San Emilio, Quirino, Gregorio del Pilar, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia, Salcedo, Cervantes, Suyo, Sigay, Santa Cruz).

Ayon sa PAGASA, hanggang alas-10:00 ng umaga kahapon, ang sentro ng mata ni Neneng ay tinatayang nasa 115 km west northwest ng Calayan, Cagayan. Mayroon itong taglay na maximum sustained winds na 100 km/h malapit sa gitna, at pagbugso na hanggang 125 km/h, at central pressure na 980 hPa.

Kasalukuyang kumikilos si Neneng patungong west-northwestward sa bilis na 25 kph.

Show comments