9 arestado sa illegal quarry sa Bulacan
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) at Marilao Police ang 9 na lalaki matapos maaktuhang illegal na nagku-quarry sa Sitio Batya, Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan nitong Miyerkules ng hapon.
Ayon kay Atty. Julius Victor Degala, hepe ng BENRO, ang mga nahuling suspek ay nag-quarry ng mamahaling volcanic rock na ginagamit sa landscaping.
Ayon naman kay PCol. Relly Arnedo, acting Bulacan Police director, naaktuhang naghuhukay ng volcanic tuff o escombro ang mga suspek sa nasabing lugar nang salakayin ng mga operatiba ng BENRO ang quarry site.
Ang escombro, ayon kay Degala ay isang uri ng mineral na ginagamit sa paggawa ng simbahan at kadalasan ay mabili ito sa mga negosyante ng landscapping.
Napag-alan pa na nagkakahalaga ng P150-600 kada isang bloke ng mineral.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang palakol na pantistis sa escombro, 3 double na palakol, isang sledgehammer (maso), apat na pala at 100 sinsil (chisels).
Kakasuhan ng paglabag sa Section 103 ng RA 7942 (Philippine Mining Act) at Sec. 71-A o Provincial Ordinance Code ng lalawigan ng Bulacan na pansamatalang pagbabawal o pagsuspindi sa lahat ng illegal quarry sa Bulacan.
- Latest