Babaeng Chinese nasagip matapos 'hambalusin ng baseball bat' ng kidnappers

Satellite image ng Batangas City mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Nasaklolohan ng Batangas City Police Station ang isang babaeng Chinese national matapos bihagin ng "20 araw" ng kidnappers na nanghihingi ng halos P120 milyong ransom money.

Ito ang pahayag ng Philippine National Police chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., Miyerkules, sa isang pahayag patungkol sa isang 28-anyos na banyaga.

"According to the woman’s Chinese boyfriend, in a statement given to PNP-AKG investigators, the 28-year old victim (name withheld) was last seen on the night of September 16 at the Hammer Disco Light Club, Brgy. Balibago, Angeles City with her friend (name withheld)," wika ng PNP sa isang pahayag kanina.

"However, at 12:24 AM on September 17, 2022, they were both seen leaving the premises of the building and went to an unknown location."

Pagsapit ng ika-18 ng Setyembre, tumawag naman daw ang isang unknown caller sa nobyo ng babae na upang mangikil ng perang nagkakalaga ng $2 milyon (P116,000,000).

Matapos, nagpadala na raw ang mga suspek ng video clip kung saan hinahampas ng baseball bat ang biktima sa iba't ibang bahagi ng katawan.

"The Batangas City Police Station (BCPS), PRO4A was able to rescue the victim at a convenience store in Brgy. Alangilan, Batangas City," sabi pa ng kapulisan.

"Further in coordination with the PNP AKG, BCPS Operatives responded to the report and was able to pinpoint the exact location where the victim was held by her kidnappers in Nueva Villa Subdivision Alangilan, Batangas City."

Nakuha naman na raw ang pagkikilanlan ng ilang suspek at subject na sa follow-up operations, ani Azurin.

Nasa kostodiya naman na raw ng PNP-Anti Kidnapping Group ang biktima para sa imbestigasyon at documentation.

"With the strong dedication of our PNP Units, to put an end to these kidnapping incidents, the PNP guarantees the intensified monitoring and security of our community against kidnapping gangs," wika ni Azurin sa isang statement patungkol sa insidente.

"'Kaligtasan Nyo, Sagot Ko,' the PNP aspires to stop kidnapping in the country with the active support of the community."

Nangyari ang krimen kasabay ng serye ng kidnappings at krimen na iniuugnay sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Napag-uusapan na ngayon ng gobyerno at ng Senado ang total ban sa POGOs, ito matapos pasinungalingan ng Chinese Embassy na nagpapatupad ito ng "tourism ban" laban sa Pilipinas kaugnay ng nasabing industriya ng sugal.

Show comments