^

Probinsiya

Bulkang Mayon nagluwa ng 391 toneladang asupre

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Mayon nagluwa ng 391 toneladang asupre
Ayon sa Phivolcs, ang bulkang Mayon ay nakapagtala rin ng bahag­yang pagluwa ng white steam-laden plumes habang wala namang naitatalang vocanic quakes sa nakalipas na 24-oras.
Byaheng Bicol / facebook

Alert Level 2, mananatili - Phivolcs

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Phi­lippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na naglabas ang Bulkang Mayon sa Bicol ng may 391 toneladang asupre sa loob ng nagdaang 24-oras.

Ayon sa Phivolcs, ang bulkang Mayon ay nakapagtala rin ng bahag­yang pagluwa ng white steam-laden plumes habang wala namang naitatalang vocanic quakes sa nakalipas na 24-oras.

Sa kabila nito, sinabi ng Phivolcs na nananati­ling nasa Alert Level 2 status ang Bulkang Mayon.

Ayon sa Phivolcs, ba­gama’t walang volcanic quakes na naitala sa naturang bulkan, kaila­ngan pa ring mag-ingat ang mga residenteng nakatira malapit dito upang makaiwas sa anumang aberya sakaling mag-alboroto nang todo ang bulkan.

Giit ng may current unrest pa rin na na­itala sa bulkan bunga ng shallow magmatic processes na maaaring magdulot ng phreatic eruptions o posibleng magkaroon ng hazardous magmatic eruption.

Bunga nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phi­volcs ang pagpasok ng mga tao sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone.

Pinaalalahanan din ang mga residente na naninirahan malapit sa bulkan na takpan ng malinis na tela o dusk mask kapag nagkaroon ng ash fall mula sa bulkan

Ipinagbabawal din ng Phivolcs ang pagpapalipad ng mga sasak­yang panghimpapawid malapit sa bunganga ng bulkan.

BULKANG MAYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with