BACACAY, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng 69-Anyos na lola matapos mabangga ng motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Brgy.Bongga ng bayang ito kamakalawa ng umaga.
Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Ziga Memorial District Hospital sa Tabaco City ay kinilalang si Maximina Baroma Bolaños, residente ng Purok-5, Brgy. Bongga ng nasabing bayan.
Sumuko naman ang rider na si Mario Buban Boncodin, 65, residente rin ng naturang barangay.
Sa ulat, alas-10:30 ng umaga ay patawid ang biktima sa highway nang aksidenteng mabangga nang paparating na motorsiklo na minamaneho ni Boncodin.
Sa lakas nang pagkabangga ay tumilapon ang biktima ng ilang metro na mabilis na sinaklolohan ng mga residente at isinugod ang walang malay na biktima sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival.