CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Nalambat ang isang drug suspect at nakumpiskahan ng mahigit P100,000 na halaga ng droga sa inilatag na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Maharlika Highway Barangay Kanlurang Mayao, Lucena City, kamakalawa ng madaling Araw.
Ayon kay P/Col. Ledon Monte, Officer-In-Charge ng Quezon PPO, bandang alas-2:15 ng madaling araw isinagawa ang operasyon at naaresto ang suspek na si Ernesto Olayres Gadbilao alias Muhlach, 52, tubo at kasalukuyang residente ng Purok 3B Barangay Dalahican Lucena City, Quezon.
Batay sa imbestigasyon, si Muhlach ay naaktuhang nagbebenta ng ipinagbabawal na droga sa poseur buyer na pulis.
Narekober buhat sa pag-iingat nito ang 3-sachet ng hinihinalang droga na may timbang na 5.54 gramo at nagkakahalaga P 113, 016.00, isang P1,000-peso bill na ginamit sa buy-bust, isang plastic made wallet na kulay beige, at Euro motorcycle na kulay pula.
Ang suspek ay nahaharap sa paglabag sa Section 5 and 11, Article 2 ng R.A. 9165 at kasalukuyang nasa pangangalaga ng Lucena City Police Station para sa tamang dokumentasyon.