^

Probinsiya

1 sa 5 rescuers sa Bulacan nag-FB live pa bago nasawi

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagawa pang ma­kapag-Facebook live vi­deo ni George Agustin, isa sa limang bayaning  kontraktuwal rescue workers bago naganap ang trahedya matapos ang mga itong masawi sa rescue mission sa kasagsagan ng matinding hagupit ni super typhoon Karding sa San Miguel, Bulacan noong Setyembre 25.

“Wait for us; we will be there,” malungkot na kuwento ng mga nagluluksang pamilya saka mga kaibigan ni Agustin at ng apat nitong kasamahan. Kabilang pa sa mga nasawi ay sina Troy Justin Agustin, Marby Bartolome , Narciso Calayag Jr. at Jerson Resurrecion.

Sinabi ni Deputy Speaker at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Partylist Rep. Democrito Mendoza na dapat magsilbing “wakeup call” sa gobyerno ang sinapit ng  limang kontraktuwal na rescue workers para talakayin ang kalagayan ng tinatayang mahigit 600,000 contractual at job order workers sa gobyerno.

Nasa 177,000 naman ang mga bakante pero napondohan ng mga plantilla positions .

“That is what genuine public service is: going in harm’s way and putting your life on the line to save the people from the death and destruction brought about by the great storm,” ani Mendoza

Sa 2022 data ng Civil Service Commission (CSC) nasa 648,215 kontraktuwal na karamihan ay nasa lokal government levels habang nasa 177,994 naman ang mga hindi pa napunang plantlla position sa gobyerno.

“These dedicated go­vernment workers are the ones doing the “legwork” and heavy lifting in most agencies. While they are the frontliners, they neither have an employer-employee relationship with government nor security of tenure,” punto pa ng solon.

Binigyang diin ni Mendoza na kailangang matugunan ang regularisasyon ng mga kontraktuwal na mga empleyado sa gobyerno.

“We cannot end ENDO if the government is the biggest ENDO employer of all. The death of these five ‘contractual’ rescuers underscores the fundamental fact that it is inhumane for the government to treat those who work to save us without providing them any social safety net and without the recognition that they are an essential part of the government workforce”, giit pa ng mambabatas.

GEORGE AGUSTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with