^

Probinsiya

Mga residente ng Bulacan na sinalanta ni Karding, humiling ng ayuda

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mga residente ng Bulacan na sinalanta ni Karding, humiling ng ayuda
This handout photo taken and released by the Presidential Photographers' Division on Monday, Sept. 26, 2022 shows an aerial view of a flooded area in Central Luzon in the aftermath of Typhoon Noru (Karding).
Malacañang photo via AFP

MANILA, Philippines — Sa gitna ng matin­ding delubyo ni super typhoon Karding, nagpasaklolo na sa pamahalaan si 3rd District Bulacan Rep. Lorna Silverio para tulungan ang kaniyang mga kababayan na matinding sinalanta ng kalamidad.

Si Silverio ay nag­hain ng House Resolution (HR) 439 na umaapela sa pamahalaang nasyonal na bigyan ng agarang ‘cala­mity assistance’ ang apat na munisipalidad na nasasakupan ng kaniyang distrito sa Bulacan na naapektuhan sa pag­hagupit ni Karding.

Nangangailangan ng agarang ayuda ang mga residente ng ikatlong distrito ng Bulacan tulad ng pagkain, tubig, damit, mga materyales sa pagtatayo ng bahay at iba pa.

Ang lady solon ay umapela sa pamahalaan para sa pagsasagawa ng relief and humanitarian operations sa mga naapek­tuhang residente sa kaniyang distrito. Ang bagyong Karding ay nanalasa noong Set­yembre 25 kung saan nag-iwan ito ng malawakang pinsala sa 3rd District ng Bulacan.

Kabilang sa mga na­apektuhang residen­te ay mula sa mga mu­ni­sipalidad ng San Miguel, San Ildefonso, San Rafael at Doña Remedios Trinidad na nagsilikas sa mga evacuation centers sa gitna na rin ng ma­lakas na mga pag-ulan at hangin sa kanilang lugar.

TYPHOON KARDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with