^

Probinsiya

Nueva Ecija nagdeklara ng state of calamity

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon
Nueva Ecija nagdeklara ng state of calamity
This handout photo taken and released by the Presidential Photographers' Division on Monday, Sept. 26, 2022 shows an aerial view of a flooded area in Central Luzon in the aftermath of Typhoon Noru (Karding).
Malacañang photo via AFP

CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga, Philippines — Isinailalim ang lalawigan ng Nueva Ecija sa state of calamity kasunod ng matinding pananalasa ng Super Typhoon Karding.

Sa isinagawang special session ng Sangguniang Panlalawigan nitong Lunes, isang resolusyon ang ipinasa at inaprubahan na nagdedeklara sa Nueva Ecija ng state of calamity dahil sa inabot nilang pinsala sa paghagupit ng bagyong Karding.

Sa naturang resolus­yon, binibigyan ng pahintulot ang provincial government na magamit ang local disaster risk reduction and management funds para sa kanilang relief and recovery programs.

“The Sangguniang Panlalawigan, after eva­luating the report given by the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) finds necessary the declaration of state of calamity necessary and with extreme urgency,” ayon sa re­solusyon.

Nabatid na inirekomenda ng PDRRMC sa pamumuno ni Governor Aurelio Umali ang pagpapasailalim sa state of calamity sa lalawigan dahil sa pagkasira  ng kanilang agrikultura at imprastraktura dulot ng bagyo.

Kahapon, inanunsyo rin ng gobernador ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas, sa pribado at pampublikong paaralan sa Nueva Ecija.                                                                          Gayunman, ang trabaho sa mga ahensya ng gobyerno at mga tanggapan doon ay manunumbalik.

NUEVA ECIJA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with