Miyembro ng criminal gang, tiklo

Hindi na nakapalag makaraang paligiran at arestuhin ng mga pulis ang suspek na kinilalang si Rommel Sanchez, 35-anyos, residente ng Brgy. Constantino, Virac, Catanduanes at kasapi ng Sorreda Criminal Gang.
STAR/File

VIRAC, Catanduanes, Philippines — Kalaboso ang isang kasapi ng criminal gang na nasa likod nang mga kaso ng gunrunning, robbery, theft at kalakaran ng iligal na droga sa lalawigan ng Catanduanes matapos na maaresto ng mga pulis sa ikinasang buy- bust operation sa Brgy. Constantino ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Hindi na nakapalag makaraang paligiran at arestuhin ng mga pulis ang suspek na kinilalang si Rommel Sanchez, 35-anyos, residente ng Brgy. Constantino, Virac, Catanduanes at kasapi ng Sorreda Criminal Gang.

Sa ulat, alas-7:05 ng gabi ay kumagat ang suspek sa inilatag na buy-bust operation ng mga operatiba mula sa Regional Drug Enforcement Unit 5, Provincial Intelligence Unit at Virac Police.

Nang i-abot ng suspek ang biniling shabu sa poseur buyer ay mabilis na nagsilabasan ang mga pulis at inaresto ito.

Nakuha mula sa sus­pek ang pitong malala­king plastic sachet na may lamang shabu na tumitimbang lahat ng 54-gramo at nagkakahalaga ng P367,200, ginamit na buy-bust mo­ney at drug paraphernalia.

Show comments