Estudyante patay sa hazing, 8 arestado!

Agad namang nada­kip ang walong miyembro ng fraternity na hinihinalang responsable sa pagkamatay ng biktima na nakilalang si August Ceazar P. Saplot, estud­yante ng UM at pledgee ng Alpha Kappa Rho Fraternity, Alpha Delta Chapter.
STAR/File

6 pang fratmen sa Davao, tugis

MANILA, Philippines — Isang 4th year Criminal Justice Education student ng University of Mindanao (UM) ang patay dahil umano sa hazing ng isang fraternity noong Linggo sa Upper Mandug, Buhangin Davao City.

Agad namang nada­kip ang walong miyembro ng fraternity na hinihinalang responsable sa pagkamatay ng biktima na nakilalang si August Ceazar P. Saplot, estud­yante ng UM at pledgee ng Alpha Kappa Rho Fraternity, Alpha Delta Chapter.

Ang walong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8049 o ang Anti-Hazing Law ay nakilalang sina Jeremiah Obedencia Moya, Leji Wensdy Ofecio Quibuyen, John Lloyd Garciano Sumagang, Harold Joshua Sagaral Flauta, John Steven Baltazar Silvosa, Ramel John Potenciano Gamo, Gilbert Escodero Asoy Jr., at Roseller Andres Gaentano.  Sila ay nasa kustodya na ng Mandug Police Station 13 ng Davao City Police Office (DCPO).

Bukod sa walong suspek, anim pa umano nilang kasamahan ang tinutugis ng pulisya na nakilalang sina Ryan James Ranolo, Harold Gocotano, John Bacacao, Cherie Norico, Kadjo Matobato at George M. Regalado.

Ayon sa DCPO, nakatanggap ng tawag ang Mandug Police Station na may isang bangkay na natagpuan sa Purok Sato Nino, Sison Village, Upper Mandug, Buhangin District, Davao City nitong Setyembre 18, matapos ang umano’y hazing. Kalaunan ay natukoy ang bangkay na si Saplot.

Bukod kay Saplot, isa pang estudyante ang sinasabing sugatan din sa hazing.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsagawa ng initiation rites ang AKRHO Alpha Delta Chapter fraternity sa dalawang estudyante. Posibleng hindi kinaya ng mga estud­yante ang matinding palo sa kanila na humantong sa pagkasawi ng isa.

Paliwanag pa ng UM, ang hazing ay ginanap sa labas ng bisinidad ng unibersidad.

Mariing kinondena naman ng pamunuan ng UM ang naturang insidente at sinabing sangkot ang kanilang mga estudyante sa hazing na naganap nitong Setyembre 18.

“It has come to our attention that 4th year students from the College of Criminal Justice Education of the University of Mindanao (UM) were involved in a violent hazing incident on September 18, 2022, resulting in the unfortunate death of one and serious injury to another who were both neophyte victims. The illegal hazing incident was perpetuated by these students who are all members of the AKRHO Alpha Delta Chapter fraternity,” ayon sa UM.

In the light of the on-going investigations, UM strongly condemns the senseless and deplo­rable incident in the highest possible consternation and dismay, as the university is also offering its unqualified grief to the victims’ families,” dagdag na pahayag ng unibersidad.

Show comments