^

Probinsiya

Nakaimbak na paputok sumabog: 5 sugatan

Cristina Timbang, Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Nakaimbak na paputok sumabog: 5 sugatan
Wasak ang buong kabahayan ng isang pamilya matapos sumabog ang mga nakaimbak na paputok na ikinasugat ng lima katao sa Imus City kahapon ng umaga.
Ed Amoroso

CAVITE, Philippines — Sugatan ang limang miyembro ng isang pamilya makaraang sumabog ang mga lumang paputok na nakaimbak umano sa kanilang bahay kahapon ng umaga sa Holiday Village Bayan Luma 4, Imus City.

Kinilala ng pulisya ang mga magpapamilya na sina Agapito Ochoa, 75-anyos; Marylyne Ochoa, 56-anyos;  Jay Arvin Ochoa, 24; Alexa Marie Ochoa, 29, at Aldrin Ochoa; pawang residente ng nasabing lugar.

Sina Marylyne at anak na si Alexa Marie ay inoobserbahan sa Pillar Hospital habang ang isa pang anak na si Jay Arvin ay ginagamot sa Medical Center Imus. Masuwerte namang bahagyang sugat lamang ang tinamo ng dalawa pa kabilang ang naturang lolo sanhi ng pagsabog.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente dakong alas-8 ng umaga sa bahay ng mga Ochoa sa No.103 Cristorey St. corner Holiday Village Ave.

Nadamay rin ang ilang bahay sa pagsabog at maging ang puting sasakyan ng kapatid ni Senator Bong Revilla na si Romeo Bautista-Revilla.

Agad namang kinordon ni Col. Christopher Olazo, Cavite police director ang lugar habang isinasagawa ang im­bestigasyon.

Pinaniniwalaang dahilan ng pagsabog ay ang mga nakaimbak at hindi nabentang firecrackers sa bahay ng mga Ochoa.

Nahaharap ang mga biktima sa kasong reckless imprudence resulting damage to properties and physical injuries at illegal possession of firecracker or explosives.

AGAPITO OCHOA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with