^

Probinsiya

Higit 200 estudyante sa Quezon sa sabungan ginanap ang face-to-face classes

Philstar.com
Higit 200 estudyante sa Quezon sa sabungan ginanap ang face-to-face classes
Kuha ng sabungan kung saan nagkaklase ngayon ang mahigit 200 estudyante ng San Isidro Elementary School sa Mulanay, Quezon mula Grade 1 hanggang Grade 6.
Video grab mula sa Facebook page ni Mulanay Mayor Aris Aguirre

MANILA, Philippines — Imbis na sa paaralan, napilitang magklase ang daan-daang estudyante ng San Isidro Elementary School sa Mulanay, Quezon sa isang sabungan — ito matapos mapinsala ang kanilang eskwela ng mga bagyo't lindol.

Ito ang ipinasilip ng GMA Regional TV sa kanilang ulat nitong Miyerkules, kung saan lagpas 200 estudyante mula sa Grade 1 hanggang 6 ang dumalo sa kanilang mga klase sa loob ng naturang pasilidad.

"'Yung isa pong elementary school po namin sa Barangay San Isidro ay nasira ang mga classrooms," wika ni Mulanay Mayor Aris Aguirre.

"So talagang na-declare na condemned na po yung mga classrooms."

Maging ang mga guro, ginagamit ngayon ang gitna ng arena bilang faculty room.

Ika-2 ng Setyembre lang nang ipakita ni Aguirre ang kalagayan ng kanilang mga silid-aralan ngayon, dahilan para i-transporma nila ang isang sabungan para sa kapakinabangan ng mga bata.

 

 

Nangyayari ang lahat ng ito habang nagsisimula na ang face-to-face classes sa Pilipinas, bagay na sinimulan na uli matapos ang mahigit dalawang taong pagsasara ng harapang mga klase dahil sa COVID-19.

"Ang mga resources ay kulang. Dapat gumagamit kami ngayon ng ICT or technology pero dahil sa aming facility, kumbaga, limitado ang aming nagagamit. Nagiging back to basic kami," sabi ng Grade 6 teacher na si Leonard Zulueta.

Sa kabila nito, game na game pa rin ang mga bata na ituloy ang pag-aaral sa kabila ng kalunos-lunos na sitwasyon.

Sinabi na ng paaralan na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Education (DepEd) para tugunan ang problema sa mga classrooms. 

"Panawagan ko po sa DepEd na sana po ay patuloy ninyong mapansin 'yung kalagayan ng mga mag-aaral sa San Isidro Elementary School," ayon sa Grade 5 teacher na si Agnes Par.

"Higit po sa lahat ay madagdagan ang aming klasrum na nakatayo na sa bagong school site."

Una nang lumabas sa datos ng DepEd na Education Undersecretary Epimaco Densing na isa sa mga "major challenge" sa kagawan ang projected classroom shortage na 91,000 sa buong Pilipinas.

vuukle comment

COCKFIGHTING

EARTHQUAKE

NOVEL CORONAVIRUS

QUEZON

SCHOOL

STORM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with