^

Probinsiya

Hustisya, sigaw sa pinaslang na whistleblower sa Misamis Occidental

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hustisya!

Ito ang sigaw at ipinangako ng mag-utol na sina 2nd District Misamis Occidental Rep. Ando Oaminal at Ozamiz City Mayor Indy Oaminal sa pagpatay sa lokal na whistleblower at police asset na si Glenn Hernando.

Kasabay nito, nag-alok ang mag-utol ng P500,000 reward para sa sinumang makapagtuturo sa ikaaresto ng mga salarin.

Si Hernando ay pi­nagbabaril ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin noong nakalipas na Agosto 30 ng taong ito.

Bago ang assassination, nagbigay ng mga krusyal na impormasyon si Hernando sa mga law enforcement officials ng Ozamiz City hinggil sa nalalabi pang splinter groups ng organisadong kriminal na sindikato ng Kuratong Baleleng Group.

Nabatid na ang expose ni Hernando ay kasunod naman ng madugong insidente ng pamamaril kung saan ang Quick Response Team sa pamumuno ni P/Major Dennis Tano ng Ozamiz City Police ay nagresponde at naaresto ang getaway driver at isa pa nitong kasabwat sa krimen.

Ang gunman ay natukoy namang si Richie dela Cruz na nagawang makatakas sa kabila ng tinamong sugat sa nangyaring barilan.

“This is a cowardly, condemnable act, and our deepest sympathy goes to the family and friends of Glenn,” pahayag ng magkapatid na Oaminal.

WHISTLEBLOWER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with