^

Probinsiya

Pagpatay sa hepe ng Ampatuan police, kinondena

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pagpatay sa hepe ng Ampatuan police, kinondena
This August 30, 2022 photo shows the police patrol vehicle carrying Police Lt. Reynaldo Samson and his men that was ambushed in Ampatuan town.
The STAR / John Unson

MANILA, Philippines — Kinondena ni Basilan Rep. Mujiv Hataman ang malagim na pananambang na ikinasawi ng hepe ng pulisya ng Ampatuan sa Maguindanao at isa nitong tauhan at pagkasugat ng tatlo pang pulis nitong Martes sa naturang bayan.

Kasabay nito, nakikiramay si Hataman sa pamilya ng mga nasawi na sina P/Lt. Reynaldo Samson, hepe ng Ampatuan Municipal Police Station (MPS) at tauhan nitong si Police Corporal Salipudin Endab at pagkasugat nina Senior Master Sgt. Reynante Quinalayo, Corporals Rogelio Dela Cuesta at Marc Clint Dayaday.

“We condemn in the strongest terms the killing of two policemen and the wounding of three others during an ambush of a team of law enforcers serving an arrest warrant,” pahayag ni Hataman.

Nanawagan din ang mambabatas na masusing siyasatin ng pulisya ang naturang insidente at papanagutin hindi lamang ang mga aktuwal na gunmen, kundi ang utak sa likod ng pagpatay sa mga pulis.

Samantala, maging si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ay kinondena ang naturang pag-ambush sa hepe ng Ampatuan police at isa nitong tauhan ng mga hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

“Mariin kong kinokondena ang walang saysay na pagpatay sa ating kapwa Muntinlupeño na si PLt. Reynaldo Samson. Kaisa ako ng buong bansa sa panawagan ng hustisya at taos-puso rin akong nakikiramay sa pamilya at mga naiwan ng isang magiting na Muntinlupeño,” ani Biazon.

Binigyang-pugay ni Biazon si Samson, na nagtapos noon sa Muntinlupa Polytechnic College (MPC). Si Samson ay pangulo rin ng MPC-PLMun Alumni Association.

“Personal kong kilala si PLT. Samson dahil isa siya sa dating scholar ng aking tanggapan noong Congressman pa ako. Huli kaming nagkita sa graduation ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) ilang linggo lang ang nakakaraan,” ani Biazon.— Ludy Bermudo

MUJIV HATAMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with