Key drug player sa Davao City, live-in partner natimbog
MANILA, Philippines — Nabitag ng mga operatiba ng pulisya ang isang itinuturing na key drug player at live-in partner nito sa isinagawang operasyon sa lungsod ng Davao, ayon sa ulat kahapon.
Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang nasakoteng suspect na si Angelie Pacate, isang regional high value suspect sa pagtutulak ng droga. Arestado rin ang live-in partner nito na pansamantalang hindi tinukoy ang pagkakakilanlan habang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad.
Narekober mula sa pag-iingat ni Pacate ang illegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P150,000. Nasakote ang dalawa kamakalawa sa operasyon sa Davao City matapos ang ibinigay na impormasyon ng isang tipster.
“This operation yielded the number 5 most wanted in the regional level. Accordingly, she’s been involved in the illegal drug trade. Surely, cases will be filed against the suspect,” ang sabi ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.
Samantala, nagsagawa ng operasyon ang pulisya sa Brgy. San Isidro, Lupon, Davao Oriental kung saan dalawang M16 rifles, isang M14 rifle at isang M203 grenade launcher ang nakumpiska.
“The PNP will always take an aggressive approach against bearers of illegal firearms and ammunitions. This is one way we can suppress criminal activities,” saad pa ni Azurin.
- Latest