MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang tatlong terorista kabilang ang isang miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), sa ginawang operasyon noong Martes sa Lanao del Sur.
Sa bisa ng search warrant sa paglabag sa Republic Act 1059 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, nadakip ng mga tauhan ng CIDG at operatiba ng Marantao Police Station ang mga suspek na kinilalang sina Mastura Disomala, 43, dating barangay chairman at dalawang kasama na sina Samen Mamasao, 23 at Moca Giambal, 25, pawang taga-Marantao, Lanao Del Sur.
Ayon kay Col. Richard Verceles, operations chief Area Police Command-Western Mindanao, alas-3:45 ng madaling araw nang madakip ang mga suspek sa Barangay Palaw Rana-Ranao,Marantao, Lanao del Sur.
Nakuha mula sa mga suspek ang One unit M16 with Scope AFP Property Caliber 5.56 with SN. DL162793; One unit M16 Colt Cal. 5.56 with SN. 9051451; 1- M14 Rifle with SN. 420879; 1- Ingram Cal. 9mm with SN.152556; 1- Colt Officers ACP Cal. 45 with SN. 165471; 1- Hand Grenade; 1-magazine of Cal 5.56 rifle with 20 live Ammunition; 2-magazines of Cal. 7.56 rifle with 29 live Ammunition; 1 (magazine of Ingram 9mm with 13 live ammunition; at 1 magazine of Cal.45 with 7 live ammunition.
Sinabi pa ng pulisya, na si Disomala ang nagpapatakbo rin ng pribadong armadong grupong Dawlah Islamiya.